Monday, July 27, 2015

[Opinion] Huling SONA ni Pangulong Pnoy





Ngayong araw ang huling SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Ang masasabi ko lang simula nung 2010 nagbago kagad ang Pilipinas nawala talaga ang wang-wang at mga ambulansya lang ang makikinig kong napakaingay sa kalsada maliban sa mga sasakyan na nabusina. Tumaas ang ekonomiya ng bansa at unti unting naparusahan at napakulong na. Hindi mawawala ang bumabatikos sa kanya siyempre pag may maayos may mang gugulo parang isang teleserye na may bida at laging may kontrabida. Hindi mawawala ang mga raleyista mawawala ba naman sila lagi sa eksena eh wala namang maayos na pangulo sa kanila. Sino kaya talaga ang gusto nilang presidente ng bansa? Pakisabi nga.

Isa sa pinaka - tumatak ang RH Law dahil sa kontrobesiya na dulot nito pati ang simbahang Katoliko ay nakigulo na at bumatikos. Isa lang naman ang ayaw ko ayaw nya ng death penalty sana pinasa nya ito para maparusahan ang mga mapagsamantala.


Ang masasabi ko naman sa kakandito para sa pinakamataas na puwesto ng bansa. Wag namang maging pa-bebe girl Sen. Poe di porket gusto ka ni Pangulo maging bise ni Roxas nag papa bebe kana. At Sec. Roxas pakulay ka naman ng hair mo. hehe. wag mong pabayaan ang sarili. At VP Binay wag kana sanang pa epal kitang kita na ang mga anumalya mo patay malisya ka pa. Gaganda pala ang buhay ha bakit ka nag-resign? guilty lang.


Isa sa pinakamagaling na pangulo si pnoy taas noo akong naniwala simula ng kumandidato at hanggang sa huling panunungkulan nya bilang presidente kung mamarkahan ko sya ay siguro ay siyam naput limang porsyentong grado. Maraming salamat po sa inyong maayos at tuwid na daang paglilingkod nawa ay maging ganito din ang mga susunod na magiging pangulo. (Saludo)

No comments:

Post a Comment